Marky Cielo bids goodbye to mom in dreams
Mag-iisang taon na mula nang pumanaw ang StarStruck 3: Ultimate Survivor na si Marky Cielo. Nagkuwento sa GMA News ang ina ng aktor nang minsan magparamdam ang anak sa pamamagitan ng panaginip na tila nagpapaalam. Nang magwagi sa artista search ng Kapuso Network na StarStruck 3 si Marky, kaagad siyang lumikha ng pangalan dahil sa husay niya sa pagsayaw at pag-arte. Pero mag-iisang taon na ang nakalilipas nang matagpuan ang walang buhay niyang katawan sa kuwarto ng kanilang bahay. Sa ulat ni Audrey Carampel, binalikan ng GMA News ang bahay ng aktor sa Antipolo kung saan ibinahagi ng kanyang ina na si Mommy Mildred ang pangungulila sa kanyang anak. âAlmost ten months na since mawala si Marky. Siyempre malaking bagay pa rin yung wala siya nang nakikita namin siya araw araw. Kaya siguro ang mabigat dun yun nami-miss namin siya," pahayag ni Gng Cielo sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Para mabawasan ang kalungkutan sa pagkawala ng panganay, sinabi ni Mommy Mildred na sa kuwarto siya ni Marky natutulog. Hindi rin niya inalis sa kuwarto ang mga gamit ng anak kabilang na ang paborito nitong gitara.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Maging ang mga sapatos at damit ni Marky, maayos pa rin na nakalagay sa cabinet. At ang panyo na huling ginamit ni Marky, hindi na rin niya nilabhan. Sinabi ni Gng Cielo na inaamoy niya ang mga gamit ng anak tuwing nangungulila. Minsan daw ay nagparamdam si Marky sa ina sa pamamagitan ng panaginip. âNakita ko siya na parang may tunnel na, tapos parang siyang nag-a-action na maâ alis na koâ¦parang nagpapaalam siya na aalis na ko, maiwan ko na kayo na ganyan," kuwento ni Gng Cielo. Gayunpaman naniniwala ang pamilya ni Marky na tahimik na ito saan man naroroon lalo naât katabi ng aktor sa libingan ang kanyang lola sa Mt. Province. - Fidel Jimenez, GMANews.TV