ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso programs, hosts honored in 2009 Anak TV Seal Awards


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinilala sa 2009 Anak TV Seal Awards ang mga programa at personalidad ng GMA Networks at QTV-11 sa pangunguna ng primetime newscast na “24 Oras." Ayon kay GMA News reporter JP Soriano, ang pagiging bayaning Pilipino ang naging pangunahing tema sa pagbibigay ng parangal ng Anak TV Seal ngayong taon. Sinabi nito na ginawa ng Anak TV ang screening sa mga programa ng iba’t-ibang television stations mula Marso hanggang Nobyembre. Tinatayang 5,000 respondents na pawang kabataan ang tinanong kung anong mga programa at sino-sinong personalidad ang patok sa kanila at dapat tularan. Kabilang sa kinilalang most well liked TV programs sa bansa ngayon ang 24 Oras ng GMA 7. “Sa lahat ng parangal na natanggap ng ‘24’ ngayon taon, ang parangalan na galing sa Anak TV ang isa sa mga maituturing naming na pinaka-espeyal," ayon kay Tonio Magsumbol, program manager-executive producer ng 24 Oras.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Kasi nanggaling po ito sa mga kabataan, sa mga bata. Kaya makakaasa po sila na lalo naming pag-iibayuhin ang pagbabalita at matitiyak nila ang balitang walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan at siyempre serbisyong totoo lang," idinagdag niya sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Kasama naman ang mga news anchor ng 24 Oras na sina Mike Enriquez at Mel Tiangco sa listahan ng top ten most well-liked TV personalities ng Anak TV. “Thank you very much for this award," bungad ni Miss Tiangco nang tanggapin ang pagkilala. “Sa GMA Kapuso Foundation mayroon kaming panabi, ganito po, ‘help not only because it feels good, but because we should.’" Kasama rin sa mga paboritong programa sa telebisyon ng mga kabataan ang Kapuso Mo Jessica Soho. Ang host nito at vice president for news program na si Jessica Soho ay kabilang din sa mga most well-liked TV personalities. “Sa akin inspirasyon ito at the same time paalala na laging mag-iingat sa mga ipinapalabas sa telebisyon dahil nagbabantay ang Anak TV at nanonood ang mga bata," ayon kay Miss Soho. Kinilala rin ang Kapuso star na si Vic Sotto sa mga paboritong male personalities. Panalo ang mga programang, Art Angel, Batang Bibbo, Happy Land, Kay Susan Tayo, Lovely Day at Wish Ko Lang. Kinilala rin ang mga programa sa QTV-11 na, Ang Pinaka, Day-Off, Kids on Q at Balitanghali Naging panauhing pandangal naman si CNN Hero of Year si Efren Penaflorida na itinuturing bagong bayani ng Anak TV. Kasama niya sina Cannes Best Director Brillante Mendoza , at ang bulag na Summa Cum Laude ng Ateneo De Manila University na si Roselle Ambubuyog. - Fidel Jimenez, GMANews.TV