Biboy Ramirez denies spreading rumors against ex-GF Jackie Rice
Nagsalita na si Biboy Ramirez tungkol sa kontrobersiya na ipinagkakalat umano ng aktor na nabuntis ang dati niyang kasintahan na si Jackie Rice. Sa ginawang panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi ni Biboy na nagkaroon lamang ng misinterpretation sa naging panayam sa kanya tungkol sa umanoây pagbubuntis at pagpapalaglag ng aktres. Matatandaan na nagalit si Jackie kay Biboy dahil ang aktor daw mismo ang nagsabi tungkol sa kanyang âpagbubuntis," batay na rin sa nakaharap niyang mga reporter.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âNa-misinterpret lang nila ang sinabi ko kasi as I said nga âdi ba matagal na kaming wala ni Jackie," pahayag ni Biboy sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. âTapos dumating yung isyu na buntis daw siya (Jackie). Tinanong ako, âbuntis daw si Jackie, nagpalaglag, ikaw daw ang ama.â Siyempre sasabihin ko, âteka one year na kaming wala," paliwanag niya. Sinabi ni Biboy na handa raw siyang harapin ang dating girlfriend at handa rin siyang makatrabaho ito. Natutuwa rin umano ang binata sa pagiging cover ni Jackie sa menâs magazine na FHM. âGood for her, at least âdi ba parang ⦠naririnig ko nga nag-level up siya sa FHM. Happy ako para sa kanya," ayon kay Biboy. Umaasa raw ang aktor na matapos na ang mga intriga sa kanya dahil nais niyang tutukan ang trabaho ngayong taon. â Fidel Jimenez, GMANews.TV