ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nora Aunor's homecoming excites daughter Lotlot


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sabik na raw si Lotlot de Leon sa nalalapit na pag-uwi sa bansa ng kanyang ina na si Nora Aunor na matagal ng naninirahan sa Amerika. Payag naman kaya si Christopher De Leon na makasama sa project ang kanyang ex-wife? Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na kasalukuyang nasa Japan si Nora bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pag-uwi sa Pilipinas. Ngayon pa lang daw ay excited na si Lotlot sa pag-uwi ng ina. Ilang araw ding nakasama ni Lotlot ang Superstar nang magbakasyon sila sa US noong Disyembre. Aniya, nanibago daw siya nang makasama ang ina. “Naninibago kasi ‘di ba ang tagal ko na siyang hindi nakasama…gising pa ako mga alas-dos nang madaling araw (habang nasa US) maya-maya, (narinig ang ina) anak tulog na," natatawang kuwento ni Lotlot sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi ni Lotlot na nagtatrabaho sa US ang kanyang ina at normal ang pamumuhay nito. Napag-usapan na rin daw nila noon pa ang pagbabalik ng nag-iisang Superstar. “Ano naman si mommy, kumbaga she’s happy where she is. Gusto n’ya yung buhay n’ya roon, tahimik, hindi magulo, but she’s also excited to come back home," idinagdag niya. Maging ang dating kabiyak ni Nora na si Christopher ay natutuwa rin sa nalalapit na pagbabalik ng batikang aktres. “Good…I mean it’s about time. Kami rin nami-miss siya, marami siyang mga fans na nami-miis ang the only Superstar we have," ayon sa aktor. Alam ni Boyet na may posibilidad na magkasama sila ni Nora sa isang proyekto sakaling naisin ng aktres na gumawa ng project habang nasa Pilipinas. Wala naman daw problema ang aktor ang magkasama sila ni Guy ngunit nais niyang maging maganda ang istorya ng kanilang pagsasamahan. “Sayang naman ang ganda ng balik n’ya, yung come back n’ya tapos gagawa kami ng hindi maganda (na project). If the story, if the material is…if we have a very good material, well and good," sambit ni Boyet na mapapanood sa SRO Cinemaserye presents: Meet The Fathers ng GMA 7. – Fidel Jimenez, GMANews.TV