ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Claudine Barretto still mad at Mark Anthony Fernandez


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

May halong inis ang reaksiyon ni Claudine Barretto nang hingan ng komento tungkol sa naging pahayag ng dating nobyo na si Mark Anthony Fernandez dahil sa hindi nila natuloy na proyekto. Sa naunang panayam, sinabi ni Mark na nakausap na niya ang mag-asawang Claudine at Raymart Santiago matapos lumabas ang kontrobersiya tungkol sa kanila ng aktres. “Nagkausap kami ni Raymard saka ni Claudine after mangyari ‘yon. Medyo masama talaga ang loob ni Claudine nang panahong ‘yon…si Raymart naman after ng usap namin okey naman," pahayag ni Mark. Pero sa panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas kay Claudine, halata pa rin ang inis ng aktres sa dating nobyo na hindi naman umano talaga humihingi ng paumanhin sa kanila.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “’Wag na sa tv. Like what I said hindi na bale ako sa asawa ko na lang. Kasi I think Raymart really really deserve an apology," pahayag ni Claudine sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Sa kabila nito, nais na lang daw ni Claudine na pagtuunan ng pansin ang pagbabalik niya sa trabaho kahit hindi natuloy ang proyekto na dapat sana’y pagsasamahan nila ni Mark. Bukod sa movie nila ni Richard Gutierrez, gagawa ng drama anthology si Claudine kung saan makakapareha niya ang iba’t ibang aktor ng Kapuso Network at posibleng makasama niya rito ang mister. “I also really like him a lot," patungkol ni Claudine kay Richard. “Nakikita ko sa kanya na he really likes to learn in so many ways, pagdating sa pag-arte gusto niyang matututo." Ano naman kaya ang masasabi niya kapag nakatrabaho ang mister na si Raymart? “Yun yata ang pinaka-nakakakaba ‘pag si Raymart, kasi nga medyo nako-conscious pa kami. I think hindi ko talaga naisip na magkakaroon ng time na magkakatrabaho kami like in a drama series," pahayag ng aktres. - Fidel Jimenez, GMAnews.TV