ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Contis: Xonia Aitana is my best bday gift


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masayang nakapanayam ng StarTalk nitong Sabado ang bagong ama na si Paolo Contis. Sa kanyang kaarawan, wala na raw siyang mahihiling pa dahil ang kanyang baby na si Xonia Aitana ang pinamagandang regalo na kanyang natanggap. “Wala masayang-masaya ‘ko ngayon, nakuha ko ang pinakamagandang regalo..," patungkol ni Paolo sa baby nila ni Lian Paz na si Xonia Aitana nang tanungin ng mga host kung ano ang kanyang birthday wish. Habang nasa studio si Paolo, nasa telepono naman si Lian at nagpaabot din ng mensahe sa aktor. Ipinagmalaki ng dating member ng 'EB Babe' dance group ang ginawang pag-aalaga sa kanya ng mister during the time ng kanyang panganganak via cesarean operation sa Saint Luke's hospital last week.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Si Pao kulang na lang magkaroon ‘yan ng certificate na maging nurse, siya talaga ang nag-alaga sa’ken ng sobra-sobra," ayon kay Lian na nagpasalamat din sa kanyang duktor at mga staff ng hospital na tumulong sa kanya para maisilang si Xonia Aitana. Nahirapan daw si Lian na mailuwal ng normal ang baby dahil natali ang paa nito sa cord. Kaya naman daw nagdesisyon na ang mga duktor na i-cesarean si Lian nang nai-stress na ang baby. Nang tanungin si Lian kung ano ang wish naman niya kay Paolo, sagot niya: “Ang mawi-wish ko lang…nasa kanya na naman lahat e nandiyan na baby n’ya, yun na gift ko sa kanya. Siyempre good health more success pa sa career niya saka kung ano pa yung wini-wish niya sana makuha niya ‘yon." Maging ang mother ni Paolo na si Mrs Jean Contis ay nagbigay din ng mensahe para sa aktor na ipinarinig during the show. “Alam ko naman masaya ka and what a pretty (baby) girl. Sana patuloy kang magsikap para sa anak mo, patuloy ka rin sanang magtagumpay. ‘Wag mo lang kalilimutan ang mga itinuro namin sa’yo, para magtagumpay hindi mo kailangang manapak. Kailangan lang gawin mo ang tama at mahalin mo ang trabaho mo," ayon kay Mrs Contis. Sa simula ng interview, sinabi ni Paolo na sobrang saya ang kanyang pakiramdam na maging ama at magkaroon ng baby sa bahay na inaalagaan. “Grabe masaya, iba yung feeling, iba yung high na meron kang baby na inaalagaan sa bahay…Nandun ako mismo nung isinilang siya. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na mahawakan siya, ako yung unang humawak sa kanya," kuwento ng aktor habang ipinapakita ang ilang larawan nang magsilang si Lian. Sinabi ni Lian na posibleng sa June nila pabinyagan ang bata. Kukunin nilang ninong at ninang ang mga close friends daw nila ni Paolo ngunit hindi pa niya masabi kung sino ang mga ito. - FRJ, GMANews.TV

Tags: paolocontis