Yasmien Kurdi to pursue case she filed vs Baron Geisler
Bagaman bukas sa posibilidad na makipag-ayos, sinabi ni Yasmien Kurdi na ipagpapatuloy niya ang kasong isinampa niya laban sa aktor na si Baron Geisler. Kabilang si Yasmien sa mga Kapuso star na dumalo sa 60th Anniversary celebration na ginawa ng GMA Network nitong Linggo. Sinabi ni Yasmien kay entertainment reporter Audrey Carampel na hindi muna siya magiging aktibo sa pag-aartista para bigyan prayoridad ang kanyang pag-aaral. Kumuha ang aktres ng kursong nursing. Mula sa kanyang pagbakasyon sa Guam kung saan dinalaw niya ang kanyang pamilya, sinabi ni Yasmien na nagulat at natuwa siya nang mabalitaan na nagpalabas ng arrest warrant ang korte laban kay Baron na sinampahan niya ng kasong act of lasciviousness.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âNagulat din ako pero masaya rin ako nagawan na ng solusyon, nagkaroon kaagad ng resulta yung pi-nile naming, last year pa âyon ang tagal na nun," ayon sa aktres sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes Muli raw nanariwa sa kanyang ala-ala ang nangyari pero nakahanda siyang ipagpatuloy ang kasong inihain niya sa aktor. Nang tanungin si Yasmien kung may pag-asa pa kaya mag-ayos sila ni Baron, sagot niya: âLahat naman napupunta sa ayos e, wala namang problemang hindi nareresolba, lahat umo-okey, lahat may paraan. So aantayin ko na lang kung ano yung paraan na âyon." - FRJimenez, GMANews.TV