Smartmatic exec Cesar Flores admits dating Ruffa Gutierrez but…
Kinumpirma ng binatang Smartmatic executive na si Cesar Flores ang mga ulat na lumalabas nga sila ng television host-actress na si Ruffa Gutierrez. Nangangahulugan kaya ito na may bagong nagmamay-ari na sa puso ng dating beauty queen? Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, iniulat na inamin ni Flores sa panayam sa telepono na nagda-date sila ni Ruffa. Subalit nilinaw din ng 36-anyos na Venezuelan na kasama nila ang kanilang mga kaibigan kapag lumalabas. Ganito rin ang paliwanag ni Ruffa na puro papuri ang sinasabi tungkol kay Flores na tinawag niyang bagong ka-textmate. âHe is a nice guy, very charming, very endearing andâ¦ayun mahilig siyang mag-text. Siya yung bago kong textmate," pahayag ni Ruffa tungkol kay Flores na nasa likod ng mga PCOS machine na ginamit sa katatapos na automated elections nitong May 10, 2010.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Bagaman nagiging tampulan ng tukso dahil sa pagkakaugnay kay Flores, sinabi ng actress-TV host na bago pa lang niyang nakikilala ang binatang executive kaya ayaw muna niyang magbigay ng mahabang pahayag tungkol dito. âMabait naman siya pero you know I just met him kaya ayoko munang magsalita too much about him," paliwanag ni Ruffa sabay pagtiyak na nananatili siyang single matapos makipaghiwalay sa asawang si Yilmaz Bektas. âNo one stolen my heart yet, kumbaga marami lang akong bagong kaibigan. Medyo dumami nga yung suitor pero as of now hindi pa," idinagdag ng dating beauty queen. - FRJimenez, GMANews.TV