Ruffa Gutierrez: ‘No one captured my heart yet’
Nilinaw ni Ruffa Gutierrez na very much single pa rin siya ngayon sa kabila ng mga ulat na nagkakamabutihan sila ng dayuhang Smartmatic executive na si Cesar Flores. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na nanay-na-nanay si Ruffa sa pag-asikaso sa mga bisita sa 7th birthday party ng kanyang panganay na anak na si Lorin. Bagaman prayoridad pa rin ng aktres ang dalawa niyang anak, sinabi ni Ruffa na hindi naman niya pinababayaan ang sarili, at katunayan ay maraming lalaki ang umaaligid pa rin sa kanya. âNo one captured my heart yet. Hindi ko alam kung pwede na ba magkaroon ng isang magandang personal life. Pero Iâm very hopeful naman I know one day in Godâs perfect time He will give me the perfect match for me," ayon kay Ruffa sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Posible kaya na ang lalaki na ito ay si Casar Flores na kanyang nakaka-date? âItâs so hard to keep talking about him kasi wala siya dito, ang balik niya sa August pa. Right now weâre getting to know each other as friends. And wala pa tingnan natin kung ano ang mangyayari, paliwanag ng aktres. Tungkol sa mga lalaking umaaligid sa kanya, sinabi ni Ruffa na mayroon siyang inilalatag sa mga ito bago siya kaibiganin. âAre you sure gusto mong maging kaibigan ko? Napaka-controversial ko, napaka-high profile ko, and are you ready to go on this roller coaster ride?" kuwento niya. - FRJimenez,GMANews.TV