GMA’s first Christmaserye, Sana Ngayong Pasko nominated in Intl drama awards
Nominado sa Seoul International Drama Award ang kauna-unahang Christmaserye ng Kapuso Network na Sana Ngayong Pasko. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing nakasama sa shortlist ang Sana Ngayon Pasko sa kategorya ng drama series mula sa mahigit 170 entries ng 40 bansa. Nominado rin sa Best Actress category ang bida ng Christmaserye na ang batikang aktres na si Susan Roces. Nakasama ni Miss Susan sa naturang drama series sina Christopher de Leon, Gina Alajar, TJ Trinidad at marami pang iba.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang Sana Ngayon Pasko ay kuwento ng isang matandang babae na may sakit na senile dementia o pagkawala ng ala-ala. Matapos maging biktima ng bagyong Ondoy, naghahabol siya ng panahon na muling makapiling ang kanyang mga anak bago tuluyang mawala ang kanyang ala-ala. - FRJ, GMAnews.TV