Krista Kleiner: ‘I’m so proud to represent the Philippines’
Isang pin ng Philippines flag ang nakakabit sa sash ni Bb Pilipinas International Krista Kleiner na pagpapakita raw ng Pinay beauty queen kung gaano siya ka-proud na katawanin ang bansa sa Miss International beauty pageant na idaraos sa China. Sa video chat interview na ipinakita sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, ipinakita ni Krista ang naturang pin kasabay ng pagpapasalamat sa suporta na kanyang natatanggap. âThank you GMA, mga Kapuso for being there for me. Iâm doing my best for you guys, I carry this Philippine flag with me on my sash wherever I go," pahayag ni Krista sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago. Sinabi ni Krista na inilagay niya ang flag sa sash para makita pa rin na ang Pilipinas ang kanyang kinakatawan sa kompetisyon sakaling maputol man ang mga kuha niya sa larawan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Bagaman maraming activities, sinabi ng Pinay beauty queen na nag-eenjoy sila sa pananatili sa China. Kabilang umano sa kanilang napuntahan na ay isang paaralan at lugar ng mga batang may kapansanan. Ipinakilala pa niya ang kanyang kaibigan na si Miss Malaysia at roommate na si Miss Indonesia na magiliw namang bumati sa video chat. Ngayon pa lang, pakiramdam ni Krista ay inoorserbahan na sila ng mga hurado sa mga ginagawa nilang aktibidad. Kasabay nito huming ng suporta si Krista sa kanyang mga kababayan na iboto siya sa online voting para sa most popular candidate sa Miss International. âPlease, I encourage you guys to vote for me. You can find the link on my Facebook fan page," pag-imbita ni Krista. - FRJimenez, GMANews.TV