Claudine Barretto on separation rumors: ‘Alam namin kung saan galing’
Inamin ni Claudine Barretto na naapektuhan siya tungkol sa ikinakalat na intriga na hiwalay na sila ng mister na si Raymart Santiago, lalo paât alam nila kung saan ito nanggagaling. âDasal lang ng dasal. Siyempre naiinis din kasi alam naman namin kung saan galing (ang tsismis) and hindi pa rin tumitigil.. Soon siguro masasagot ko lahat-lahat, isa-isa," pahayag ni Claudine sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Nakiusap din ang aktres na huwag basta maniniwala sa mga tsismis na hiwalay na sila ni Raymart hanggat walang lumalabas na katibayan katulad ng annulment papers. âKapag wala pa kayong nakikitang annulment papers na nakasulat yung mga pangalan namin ni Raymart, âwag po tayong mag-speculate. Kasi me mga anak rin po kami," dagdag ng aktres sa panayam ni entertainment reporter Audrey Carampel.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa tulong ng kanilang mga kaibigan at fans, nananatili umanong matatag ang pamilya nila ni Raymart. Samantala, tuwang-tuwa naman si Claudine na nagkuwento tungkol sa pagiging makulit ng Kapuso child wonder na si Jillian Ward na makakasama niya sa bagong ChristmasSerye sa GMA 7. âMakulit at malambing. Kanina nga kumakain kami ginulat ako sabi niya, âbulaga!â Ano ba âyan mamatay ako saâyo âwag mong gagawin saâkin âyan sa set," natatawang kuwento ni Claudine. Bukod kay Jillian, makakasama rin ni Claudine sa bagong project ang Kapuso hunk na si Wendel Ramos at iba pang malalaking Kapuso stars na surpresang lalabas sa storya. â FRJImenez, GMANews.TV