Vic Sotto, Pia Guanio talk about their relationship
Sa pambihirang pagkakataon, on-cam na ininterview ni Pia Guanio ang kanyang ânobyo" na si Vic Sotto. At hindi nawala sa mga tanong ang tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Ayon sa Chika Minute anchor na si Pia ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, ang interview niya kay Vic ay para sa Sunday entertainment talkshow na Showbiz Central, kung saan isa rin siya sa mga host. At dahil hindi pa malinaw na nasasagot ang katanungan kung hiwalay na nga ba ang dalawa, isa sa mga itinanong ni Pia kay Vic ay kung papaano ilalarawan ng actor-comedian ang estado ng kanilang relasyon. âAko personally I donât owe anybody an explanation o detailed facts about my private life. And I think we shared the same opinion," sagot ni Vic kay Pia na kapwa co-hosts ng noontime show na Eat Bulaga. Sa kabila ng mga nangyayari sa personal na buhay, binigyan-pansin ni Vic ang kahalagahan ng propesyunalismo pagdating sa kanilang trabaho. âKung ano man yung nakikita nila sa telebisyon, alam naman nating dalawa na weâre professionals, at matibay ang ating samahan, pagkakaibigan lalo nasa Eat Bulaga," idinagdag ng bida sa filmfest movie na Si Agimat at Si Enteng Kabisote.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kasunod nito ay biglang si Vic naman ang nag-usisa kay Pia at kinamusta ang dalaga. âIkaw, kamusta ka naman," tanong ni Vic. âIâm good, masaya naman ako," sagot ni Pia. âIâm quite busy alam mo naman sa ganitong mga panahon nag-aadvance tayo ng mga episode, so hindi na rin ako nakakapag-gym." Sinundan pa ito ni Vic ng tanong na, âang lovelife?" Dahilan para mapatawa si Pia dahil sa karaniwang tanong na ginagawa lang ng mga showbiz reporter. Mistulang naging seryoso naman si Pia nang tanungin niya si Vic kung kailan magpapakasal ang komedyante. Ngunit ang sagot ni Vic ay idinaan din niya sa tanong at ibinalik kay Pia. âIbabalik ko lang ang dapat na itatanong ko, ikaw baây gusto mong mag-asawa? hirit ni Vic. Mapapanood ang kabuuan ng interview ni Pia kay Vic sa Showbiz Central sa Linggo. Malaman na kaya kung break na talaga ang dalawa, o sa kasalan magtatapos ang panayam? â FRJimenez, GMANews.TV