Aljur Abrenica to receive Best Asian Model award in South Korea
Masayang-masaya si Aljur Abrenica sa katuparan ng kanyang pangarap na maging bagong Machete. Nadagdagan pa ang kasiyahan ng binata nang malamang tatanggap siya ng award bilang best model sa South Korea. Sa isinagawang press launch ng pinakabagong fantaserye ng GMA 7âs Machete, nasaksihan ni entertainment reporter Lhar Santiago, ang pagrampa ni Aljur suot ang kanyang Igorot costume. âMatagal ko nang pinapangarap ito, at ito na dumating na. Ito na ang araw ng presscon na magpapatunay po saâken na ako na po talaga si Machete," pahayag ni Aljur sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Isa-isa ring ipinakilala sa press launch ang mga kasama sa fantaserye na kinabibilangan nina Bela Padilla, Ryza Cenon, Zoren Legaspi, Gwen Zamora, Polo Ravales, Rio Locsin, Nonong Buencamino, Stepani Henares at Chariz Solomon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa magandang hubog ngayon ng katawan ni Aljur, tila ito na rin ang nagiging pamantayan ng pagiging ultimate Pinoy macho. Nagiging bukam-bibig na rin ang "Machete diet" para makuha ang "Machete body" na katulad kay Aljur. Samantala, ilang araw na mawawala sa bansa si Aljur dahil kailangan niyang pumunta sa Seoul, South Korea upang tanggapin doon ang pagkilala sa kanya bilang Best Asian Model sa gaganaping Asian Best Model Festival. âHindi po lahat nabibigyan ng pagkakataon na ganyan. Marami pong artista dito sa industriya natin pero para mapansin ka sa ibang bansa, iba pong kategorya âyon, iba pong dating nun," ayon kay Aljur. Sa Sabado ay inaasahang babalik sa Pilipinas si Aljur para paghandaan ang pagsisimula Machete na mapapanood na simula sa Lunes ng gabi. - FRJimenez, GMANews.TV