ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Baron Geisler to Cherry Pie Pichache: ‘I'm very sorry, Miss Pie.’
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kasunod ng insidente, naghain ng reklamo ang kampo ni Cherry Pie sa PAMI at kaagad naming umaksiyon ang grupo ng mga talent managers. Bukod sa demand na dapat humingi ng paumanhin si Baron kay Cherry Pie, pinagbawalan din nila ang kanilang mga talent na makatrabaho si Baron hanggat hindi pa ito âfully rehabilitated." Sinasabing gumon sa alak si Baron. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na inireklamo ang aktor ng panghihipo. May nakabinbin kaso ng act of lasciviousness laban kay Baron na magkakahiwalay na isinamapa sa korte nina Yasmien Kurdi at ang anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha Martinez. Kasabay ng paghingi ng patawad kay Cherry Pie, humingi rin si Baron ng apology sa buong entertainment industry. "Right now, I want to apologize to the entire industry for my actions. Sa lahat, sa director, sa producer, sa lahat," aniya. "And I'm gonna do my best to behave and just to be proper because I'd rather be addicted to my work 'cause I love it. I love acting so much. It's really my passion and sometimes when I do things differently, parang...next time I will be more careful," paliwanag ng aktor. Dahilan kaya lasing Nagpaliwanag din si Baron kung bakit lasing siya nang dumating sa set ng serye nila ni Cherry Pie nang maganap ang insidente. Kuwento ng aktor, may proyekto siya na gagawin dapat sa direksiyon ni Brillante Mendoza, kasama ang isang French actress. Maganda umano ang kanyang role at pinaghandaan niya ang kanyang karakter bilang Abu Sayyaf na si âAsura Al-Fatiha." "You know, I just felt angry that they didn't give me the chance to do it because that's my dream project. Kasi dadalhin sa Cannes," sabi ni Baron. âWe had to shoot the last moments of Noah like last two weeks. I felt bad kasi sobrang dinibdib ko." Bukod sa hindi natuloy sa film project, nawala na rin siya sa serye at labis daw niya itong dinadamdam ng aktor. Aminado si Baron na nakararamdam din siya ng galit sa kanyang sarili. "Siguro I was angry din sa sarili ko why I gave so much passion and attention doon sa film 'cause I really worked hard to study the character," paliwanag niya. Aminado ang aktor na matagal na niyang problema ang sobrang pag-inom, na nagsimula noong 14-anyos pa lamang siya. Nakadagdag umano sa addiction niya sa alak ang paghihiwalay nila ng dating kasintahang si Jodi Sta. Maria, na asawa na ngayon ng anak ni Sen Ping Lacson na si Pampy. inabi ni Baron na nais niyang pumasok sa isang 90-day rehabilitation program upang malunasan ang kanyang pagkagumon sa alak. Matagal na raw niyang plano pero hindi natutuloy dahil sa kanyang trabaho. "I believe during my 90-day rehab, I believe I will do everything to really absorb everything and to understand myself, and to understand my demons, my problems, 'cause I really want to change," pahayag niya. Pagdiin ni Baron, gagawin niya ang pagpaparehab simula sa susunod na linggo hindi para makabalik sa showbiz, o mapatawag ng ibang tao. Gagawin umano nito para mapatawad ang kanyang sarili at pagmamahal sa kanyang sarili. - FRJimenez, GMANews.TV
Tags: yasminkurdi, barongeisler
More Videos
Most Popular