Janet Jackson to her Pinoy fans: ‘We can't wait to perform for you’
Very excited na raw sa kanyang February concert sa Pilipinas ang sikat na international singer na si Janet Jackson. Sa interview ng GMA 7, nag-iwan ng mensahe sa kanyang mga tagahanga ang kapatid ni Michael Jackson. Ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago, pangalawang pagkakataon ni Janet na makapagtanghal sa Pilipinas sa Feb 4. Ang kanyang concert na NUMBER ONES: Up Close and Personal Tour, ay nakatakdang gawin sa PICC. Bahagi ito ng concert tour ni Janet sa Asya, kung saan magtatanghal din siya sa Hong Kong at Taipei. Sa panayam ay ipinaalam ng sikat na performer kung gaano siya ka-excited na makabalik at makapagtanghal muli sa Pilipinas. âIt will be my second performance. Iâm really, really excited, we canât wait. We had a lot of fun the first performance that we did there," pahayag ni Janet sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Iba raw ang excitement ni Janet na muli niyang makaharap ang kanyang mga Pinoy fans. "Performing for the peopleâ¦itâs been a very very long time. I mean, the last time I was there was in the mid 90s. It will be nice to perform for the people," ayon pa kay Janet. Nagbigay din siya ng mensahe sa kanyang mga tagahanga at kung ano ang maaaring abangan sa kanyang concert. âIt's a good an hour and forty minute. It's a pretty lengthy show and we're covering a lot of sings, lots of dancing. Hopefully, they'll enjoy it," pahayag niya. "Thank you for all your love, all your support. And I can't wait to see you and we can't wait to perform for you," ayon kay Janet. - FRJimenez, GMANews.TV