Top Cebuano anchor Bobby Nalzaro renews contract with GMA Network
Muling pumirma ng exclusive contract sa GMA Network ang nangungunang Cebuano anchor na si Bobby Nalzaro. Dumalo sa nasabing contract signing ang mga opisyal ng Kapuso Network sa pangunguna nina GMA Chairman and CEO Felipe Gozon at President and COO Gilberto Duavit, Jr. Naroon din sina GMA SVP for Radio Operations Group Mike Enriquez; SVP for Corporate Services Group Felipe S. Yalong; VP for Regional TV Rikki Escudero, at RGMA COO/Consultant Butch Gonzales. Si Bobby Nalzaro, ang anchor sa daily newscast na Balitang Bisdak, at sa Super Radyo DYSS-AM sa Cebu.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âSi Bobby e matagal na matagal ng Kapuso, bukod sa pagiging mukha ng ating himpilan sa Cebu kung kaya tayo ay nasisiyahan⦠of course our Kapuso in Cebu can look forward to sa pagpapatuloy ng serbisyong totoo," pahayag ni G. Duavit. ââTong pirmahan ng kontrata na ito ay hindi lang pagkilala sa serbiyong totoo ni Bobby Nalzaro bilang nagungunang mamamahayag sa Cebu, bilang pagpupugay na rin ito sa mga kababayan nating Cebuano," ayon naman ni G.Enriquez. Inihayag naman ni Bobby na, âKapuso pa rin tayo. It means na yung kompanya, yung network nagbibigay din ng concern sa mga provincial anchors." - FRJImenez, GMA News