ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ate na si Jillian Ward


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masayang nagkuwento ang Kapuso child wonder na si Jillian Ward tungkol sa pag-aalaga niya sa kanyang bagong baby sister. Sa movie na My Valentine Girls na ipapalabas sa mga sinehan simula sa Miyerkules (Feb 9), baby sister ni Richard Gutierrez ang role ni Jillian. Puring puri ni Richard si Jillian hindi lang sa husay sa pag-arte kundi maging sa ginawa nilang dubbing sa kanilang mga eksena. Kuwento ng five-year-old na si Jillian kay entertainment reporter Lhar Santiago, nakikita niya ang kanyang mga linya sa isang maliit na TV monitor at kung minsan naman ay ibinubulong sa kanya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kasama rin nila sa movie sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Lovi Poe, at Eugene Domingo. Kamusta naman kaya ang pag-aalaga ni Jillian sa kanyang bagong panganak na baby sister? “Iniikot ko po yung toy niya ‘pag umiiyak para po makatulog po siya, para hindi na siya mag-cry," ayon sa child star sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Sobrang love daw ni Jillian ang kanyang kapatid kaya ingat na ingat siya sa paghawak dito at hindi pa niya pwedeng buhatin. “Hinahawakan ko pero konti lang po, kasi malambot pa po e," patungkol ni Jillian sa malambot pang bumbunan ng kapatid. - FRJ, GMA News