ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera shares details of Valentine date with Dingdong Dantes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ikinuwento ni Marian Rivera kung papaano siya nasurpresa sa lumang bahay na pinagdalhan sa kanya ng nobyong si Dingdong Dantes para magsalo sa isang intimate dinner noong Valentine’s day. “Sabi niya (Dingdong) kasi sa’ken dadalhin, ‘kita sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan.’ Sabi ko, ‘weh, lahat naman napuntahan na natin e," kuwento ni Marian kay entertainment reporter Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. “Tapos nang magpunta ko dun sabi ko, ‘Wow! Me ganitong lugar pala dito, at ang sarap ng pagkain nila," patungkol ng aktres sa pinagdalhan sa kanya ni Dingdong na isang lumang bahay na ginawang restaurant sa Maynila. Nang gabi ring iyon ay nagpalitan daw sila ng nobyo ng regalo. Dalawang regalo ang ibinigay ng aktres kay Dingdong, at isa rito ay sticker ng “YES Foundation" na puwedeng ilagay ng aktor sa kanyang sasakyan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang isa pa ay damit na gustong-gusto raw ng aktor pero hindi nito binibili kaya siya na ang bumili para sa nobyo. Ang nang tanungin kung ano naman ang regalo sa kanya ni Dingdong, natatawang sagot ni Marian: “Bigay niya sa’ken…secret!!! Sa naturang ulat, ipinakilala rin ang model-turned-actor na si Mikael Daez, na isa sa dalawang leading men ni Marian sa epicserye na Amaya. Nang mag-audition si Mikael sa role, nakita na raw ito ni Marian at tiniyak ng aktres na tutulungan niya at ng iba ang co-stars ang bagitong aktor. “Nung umpisa pa lang sinabi ko sa kanya na ‘wag siyang ma-conscious, na ganyan talaga ‘pag bago, matututunan din niya lahat," ayon kay Marian. Hindi daw nila napag-uusapan Dingdong ang pagkakaroon niya ng mga bagong leading men. Maliban kay Mikael, ang award winning actor na si Sid Lucero ang isa pang katambal ni Marian. (Basahin: Sid Lucero joins cast of Marian Rivera's epicserye, Amaya) - FRJimenez, GMA News