ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dennis Trillo renews contract with GMA 7


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling pumirna ng kontrata sa GMA 7 ang Kapuso leading man na si Dennis Trillo. Ayon sa aktor, hindi niya nakikita ang sarili na umaarte para sa ibang network Dahil masaya sa kanyang pagiging Kapuso, hindi na nga raw napansin ni Dennis na walong taon na siya sa GMA 7, ayon sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago. “Hindi ko na rin ma-imagine yung sarili ko, na nakikita ko yung sarili ko na umaarte para sa ibang mga channel. Dito na ‘ko lumaki at mahal ko na ‘tong isang malaking pamilya na ‘to," pahayag ni Dennis sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Kasama ni Dennis sa pagpirma ng kontra ang kanyang manager na si Popoy Caritativo. Sa panig naman ng GMA 7 ay sina Atty Felipe Gozon, Chairman and CEO, at si Wilma G Galvante, SVP for Entertainment TV.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Si Dennis e isa ‘yan sa ating inaalagaan…definitely marami tayong mga plano d’yan," ayon kay Atty Gozon. Sinabi ni Dennis na agad niyang sinabihan ang kanyang nobya at kapwa Kapuso star na si Jennylyn Mercado nang matanggap ang kopya ng kontrata. “Nung matanggap ko pa lang yung kontrata, first ko pa lang nabasa, binalita ko na agad sa kanya (Jen)… Natuwa din siya, sobrang natutuwa siya para sa akin, sobrang proud siya na maganda yung nangyayari sa’ken," ayon sa aktor. Ipinaalam din ni Dennis na going strong ang relasyon nila ni Jennylyn. Nang hindi matuloy ang taping niya sa Dwarfina, sinabi ng aktor na nakapag-“last minute" valentine date sila ng aktres sa isang tagong restaurant. - FRJ, GMA News