Ex-Sen Ramon “Agimat" Revilla Sr shed tears of joy
Hindi napigilan ni dating Sen Ramon âAgimat" Revilla Sr ang mapaiyak sa labis na kasiyahan sa ibinigay na regalo ng kanyang mga anak sa pangunguna ni Sen Bong Revilla Jr. Kasama ang Startalk TX sa mga sumasaksi sa ginawang pagpapasinaya sa Memorabilia Gallery at monumento ni Mang Ramon, na nagdiwang ng kanyang ika-84 na taong kaarawan nitong Marso 8. Ang okasyon ay ginawa sa Cavite Coliseum sa Bacoor, Cavite, na dinaluhan ng mga kaanak, kaibigan ng mga Revilla at ng kanilang mga kababayan sa lalawigan. âKulang pa ang salita para kayo ay aming pasalamatan sa inyong pagmamahal, pang-unawa, pagpayo," pahayag ng anak ni Mang Ramon na si Rowena Revilla-Mediola. âWe love you daddy, ikaw ang tunay na agimat ng bawat isa sa amin. Daddy, âAgimat ng Masa', saludo kami saâyo," dagdag naman ni Sen Bong.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Habang nagsasalita ang mga anak, hindi mapigil ng nakatatandang Revilla ang mapaiyak sa labis na kasiyahan. âHindi ko alam kung bakit ako nagkaganito na iyakinâ¦nung namatay ang aking ina hindi ako umiyak," pagtatapat ni Mang Ramon. âHindi naman ako isang bayani para gawin tribute lahat sa akin âyan," dagdag pa ng dating senador na nakilala sa pelikula sa kanyang mga role na may taglay na anting-anting o agimat. Inabot umano ng isang taon ang paglikha sa rebulto ni Mang Ramon na ginawa ni Eduardo Castrillo. Ayon kay Sen Bong, wala na silang maisip na magkakapatid na magandang iregalo sa kanilang ama kundi ang rebulto at ang memorabilia gallery. Makikita sa gallery ang mga plake, tropeo, mga larawan, news paper clippings at iba pang commemorative items sa buong career ni Mang Ramon. Samantala, makikita naman sa ibabang bahagi ng rebulto ang listahan ng 39 na anak ni Mang Ramon mula sa ibaât ibang babae. Ayon kay Andrea Bautista-Ynares, hindi naging isyu sa kanilang magkakapatid na ilagay ang pangalan ng kanilang mga kapatid sa ama. âKaming pitong magkakapatid, nagdesisyon kami na ilagay. Kasi pinalaki kami ng mommy ko na hindi naman nila kasalanan yun, eh na kung naging anak sila ng daddy ko sa ibang babae," paliwanag ni Andrea. Ano naman kaya birthday wish ni Mang Ramon? âWala na kundi pahiramin ako ng Poong Maykapal ng buhay pa para akoây makapaglingkod pa sa kapwa ko, sa mga kababayan ko," ayon sa binansagang âAgimat ng Masa." - Fidel R Jimenez, GMA News