ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto: ‘Hindi naman puro love life ang buhay sa mundo’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masaya at kuntento daw ang TV host-comedian na si Vic Sotto sa kanyang career at personal life. Ganito rin kaya ang feeling niya pagdating sa love life? Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni Vic na masaya siya at lumagay na sa tahimik ang mga anak nila ni Dina Bonnevie na sina Danica at Oyo Boy. Pero dahil hiwalay na sina Vic at Dina, ang iniisip nina Danica at Oyo Boy ay ang babaeng makakasama ng kanilang ama hanggang sa pagtanda nito. Ngunit ayon sa TV host-comedian, hindi lang naman love life ang nagpapasaya sa tao. “Tulad ng Eat Bulaga happy ako ‘pag nasa studio kami, magkakasama yung mga dabarkads, pagka nasu-shooting ako, nagti-taping, kapag kasama ko yung mga anak ko, kapag kasama ko yung mga apo ko. Yun, mga kaligayahan sa buhay na ayos na ‘yon," pahayag ni Vic sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Gayunman, hindi naman isinasara ni Vic ang pinto ng posibilidad sakaling makahanap siya ng babae na makakasama sa habambuhay. “Kung darating e di mas mabuti, kundi naman e, bata pa naman ako. Wala pa naman sa isip ko yung mga ganun," biro niya. “Hindi naman puro love life ang buhay sa mundo, mas maraming mas importante dun. To summarize it, I’m okey." Tungkol sa pahayag ng kanyang ex-wife na si Dina na siya pa rin ang nagpapakilig dito at inihalintulad siya sa Hollywood actor na si George Clooney, sabi ni Vic na nananatili naman silang malapit sa isa’t isa ng aktres bilang magkaibigan at magulang ng kanilang mga anak na si Dina at Oyo. - FRJImenez, GMA News