Stand up comedian, Kapuso talent ‘Tomas’ passes away
Biglaan ang naging pagpanaw ng stand-up comedian at Kapuso talent na si Tomas Gonzales II â mas kilala sa GMA show na Comedy Bar bilang si âTomas." Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing wala ng buhay si Tomas nang matagpuan sa kanyang kuwarto Lunes ng gabi. Idineklarang heart attack ang dahilan ng kanyang biglang pagpanaw. Bukod sa Comedy Bar na napapanood tuwing Sabado, nakasama rin si Tomas sa mga Kapuso shows na Beauty Queen at Love ni Mister, Love ni Misis.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV May show pa dapat si Tomas sa The Library Bar sa Malate, Manila sa Martes. Pero dahil sa biglang pagpanaw, gagawin na lamang itong benefit show para sa kanya. Nakalagak ang mga labi ni Tomas sa Galang Memorial Homes sa Makati City. - FRJ, GMA News