ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Laughter and tears on Tomas tribute, benefit show


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napuno ng saya at luha ang benefit at tribute show na inihandog sa pumanaw na stand-up comedian at Kapuso talent na si Tomas Gonzales II, na mas nakilala sa simpleng tawag na “Tomas." Gabi nitong Lunes nang makitang wala ng buhay si Tomas sa kanilang bahay. Heart attack ang itinuturong dahilan ng biglang pagpanaw ng komedyante na napapanood sa GMA show na Comedy Bar tuwing Sabado, with Eugene Domingdo and Alan K. Magkakaroon pa sana si Tomas ng kanyang first major show sa The Library Comedy Bar sa Malate, Manila nitong Martes ng gabi. Pero dahil sa bigla niyang pagkawala, ginawa na lamang itong benefit at tribute show para kay Tomas ng kanyang mga kasamahan sa industriya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa panayam ni entertainment reporter Audrey Carampel para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, labis ang lungkot ni Andrew de Real na siyang nakatuklas sa talento ni Tomas sa pagpapatawa. Mabigat din sa kalooban ni Phillip Lazaro ang pagkawala ng palangiti umanong kaibigan. Bukod naman sa kalungkutan, nanghihinayang din si Teri Onor sa biglang pagkawala ni Tomas: “Ang sakit na kasama namin sa industriya…yung career, nakapanghinayang kasi nandun na tapos all of the sudden mawawala." Likas daw kay Tomas ang pagiging masayahin, masipag at matulungin. Halos hindi na raw ito nagpapahinga sa trabaho para makatulong sa kanyang pamilya at pagpapaaral sa ilang pamangkin. Hindi pa rin makapaniwala ang mga kapatid ni Tomas na wala na ang kanilang bunsong kapatid. “Hindi kami makapaniwala na wala na siya. Sinurpresa niya kami ng todo-todo. Mahilig kasi siyang magsurpresa, mahilig siyang magbigay ng surprise gift sa’men," ayon kay Emily. Nakalagak ang mga labi ni Tomas sa Gala Memorial Homes sa Makati City. – FRJimenez, GMA News