ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cesar Montano is new 'Andres de Saya'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Si Cesar Montano ang gaganap bilang ‘under de saya’ sa bagong sitcom ng GMA 7. Kaya naman may mga nagtatanong kung sa totoong buhay ba ay 'under' din ang premyadong aktor sa kanyang misis na si Sunshine Cruz? Binisita ni entertainment reporter Lhar Santiago ang pictorial ng cast ng Andres de Saya. At sa pictorial pa lang, kitang-kita na umano ang magandang samahan sa cast ng bagong aabangang sitcom. Gaganap si Cesar bilang si Andres, na mister na ‘under’ sa misis na gagampanan naman ni Iza Calzado. Excited daw si Cesar sa show dahil na-miss niya ang paggawa ng comedy show sa telebisyon. “Dream come true ‘to para sa’ken," pahayag ni Cesar sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. “Sinundan ko ‘tong Andres de Saya na ‘to, yung pelikula na ginagawa pa played by Vic Vargas and Gloria Diaz. Ngayon ito na, ako na ang gaganap." Ipinagmamalaki rin ni Cesar ang iba pang kasama nila ni Iza sa sitcom. Kabilang dito sina Gloria Romero, Caridad Sanchez, Iwa Moto, Elmo Magalona, Jullian San Jose, Charize Solomon, Pekto at ang Kapuso child sensation na si Jillian Ward.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa tunay na buhay kaya, “machonurin" din ba si Cesar sa kanyang misis na si Sunshine Cruz? “Oo naman," pag-amin kaagad ng aktor. “Isang text lang nun kailangan sagutin kaagad. Kasi pangalawang text nun kailangan i-explain mo na bakit hindi ka sumagot sa first text niya." Sisimulan na kaagad ni Cesar ang taping sa bagong sitcom dahil kailangan niyang pumunta sa China ngayong Abril para naman sa mag-shooting sa isa niyang movie. Ayon kay Cesar, sariling story niya ang pelikula na may titulong Sa Ngalan ng Pag-ibig. May kasama rin silang mga Chinese actors sa pelikula, na plano nilang maipalabas din sa China. - FRJimenez, GMA News