ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rachelle Ann Go reacts on rumored breakup with John Pratts


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagbigay ng pahayag ang singer-actress na si Rachelle Ann Go tungkol sa lumabas na mga ulat na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si John Pratts. Sa In The Limelight ng GMA News TV channel 11 nitong Martes, mariing pinabulaanan ni Rachelle Ann ang balitang hiwalay na sila ng actor at TV host na si John. Ilang buwan pa lang kasi ang nakalilipas nang ipaalam nila sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon. “Kasisimula pa lang ng lahat at tapos na agad? Hindi po totoo," ayon sa singer-actress.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Masaya ba naman siya sa piling ni John? “Masaya po sobra. Siguro po kasi sabi namin baka walang isyu, ginagawan na lang," pahayag niya. Sa halip na pansinin ang mga negatibong isyu, mas pinagtutunan na lang daw ni Rachelle Ann ang kanyang trabaho. Bukod sa Sunday variety show na Party Pilipinas, abala ang singer-actress sa soap na Negrita, at mayroon din siyang tinatapos na bagong album. - FRJImenez, GMA News