MTRCB eyes two more rating guides on TV shows
Dahil sa kontrobersiya na nilikha ng pagsasayaw ng isang bata na mala-macho dancer sa isang programa sa telebisyon, plano ngayon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na dagdagan ang rating guide na inilalagay sa mga TV show upang mabigyan ng babala ang mga manonood. Nitong Martes, nagdesisyon ang MTRCB na patawan ng isang buwang suspensiyon ang programa ni Willie Revillame na Willing Willie na ipinapalabas sa TV 5, ayon sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras. Ayon kay Noel del Prado, miyembro ng MTRCB, may mga nilabag na regulasyon ang programa nang ipalabas ang episode kung saan pinagsayaw na mala-macho dancer ang isang 6-year-old boy.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pero inigsian daw ang suspensiyon dahil na rin sa pag-amin umano ng naturang TV station na nagkaroon sila ng pagkukulang at kusa ring inalis ang programa sa ere. Bukod sa suspensiyon, ilalagay ang programa ni Revillame sa âunder probation," kaya kailangan silang humingi ng permit sa MTRCB araw-araw bago ipalabas ang show. âActually open ended ito (probation). Ang magde-determine nito ay adjudicating committee kung sa tingin nila ay hindi na kailangan yung probation, magpapadala sila ng sulat na hindi na per episode ang submission ng permit," paliwanag ni Mary Grace Poe-Llamanzares, MTRCB chairperson. Bagaman posible umanong iapela ng kampo ni Revillame ang desisyon ng MTRCB, masaya na rin sila dahil lumitaw na walang pang-aabuso sa bata na ginawa si Willie, ang programa, o ang TV station. Sinabi naman ng abogado ni Willie na posibleng iapela nila ang desisyon ng MTRCB. Pero masaya na rin daw sila dahil walang nakitang child abuse ang mga miyembro board. âWe reserve the legal option to file a motion for reconsideration to the decision of the MTRCB. We are, however, comforted by the MRTCB not having found that Willie or the program or the TV5 committed acts of child abuse or exploitation or child cruelty," pahayag ng abogado ni Willie na si Atty. Leonard de Vera. Dahil sa kontrobersiya, sinabi ng pinuno ng MTRCB na pag-aaralan nila na dagdagan ng dalawa ang rating guides sa mga ipinapalabas sa telebisyon. Sa kasalukuyan ay âGP" o General Patronage at âPG" o Parental Guidance ang inilalagay na abiso sa mga ipinapalabas sa telebisyon. âAng iniisip namin magkaroon ng âSPGâ o Strong Parental Guidance and âMâ for Mature. Ngayon ano ang ibig sabihin nito, abangan niyo na lang,"ayon kay Poe-Llamanzares. Patuloy pa ng MTRCB chair: âAng SPG halimbawa, may mga show na ipinapalabas sa primetime pero alam naman natin na napakasensitibo lalo na iyong ibang live show na may kakaibang sayaw. Hindi naman natin puwedeng sabihin na Parental Guidance lang ito kapareho ng basketball." - FRJimenez, GMA News