Justin Bieber arrives in Manila
Nasa bansa ngayon ang Canadian pop idol at teen heartthrob na si Justin Bieber para sa kanyang one night concert sa Pasay City nitong Martes ng gabi. Sa ulat ni entertainment reporter Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras, sinabi nitong maaga pa lang ay mahaba na ang pila ng fans ni Justin na manonood ng concert nito na gagawin sa concert ground ng SM Mall of Asia.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kapuna-puna na hindi lang mga teenager ang nais makita ang gagawing pagtatanghal ng international singer sa Pilipinas na bahagi ng kanyang world tour. Gaya na lamang ng mag-inang sina Maxine at Mayleen, na umuwi pa sa Pilipinas mula sa Qatar para lamang mapanood si Justin. Dahil naging mahigpit ang pagbabantay kay Justin, nabigo ang mga fans na masilayan ang kanilang idolo nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport. Samantala, ilang fans din ang matiyagang nag-aabang sa backstage ng MOA na umaasang makikita ang kanilang idolo. â FRJimenez, GMA News