ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bakit may mga tattoo ang ilang karakter sa Amaya?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kung art form at paraan ng expression ang pagpapa-tattoo ngayon, may malalim na kahulugan naman ito noong unang panahon gaya ng ipinapakita sa ilang karakter sa hit epicserye ng GMA 7, na Amaya. Kabilang sa mga karakter sa Amaya na makikitaan ng mga tattoo sa katawan at mukha ay si Gardo Verzosa na gumaganap sa papel ng mandirigmang si Raja Mangubat. “Kaya marami ‘yan (tattoo), ‘yan ang nagsisimbulo ng napatay… ng mga napagdaanan naming digmaan. So, mas maraming tattoo mas marami kang napatay," paliwanag ni Gardo sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon naman sa historian na si Dr Vicente Villain, ang mga imahe ng tattoo ay sumusimbulo rin sa katayuan ng isang tao sa lipunan noon. Sa pamamagitan ng tattoo ay malalaman umano kung ang isang tao ay mandirigma o pulitiko. Tanging ang mga lalaki rin lamang na nakapagdala ng dangal sa bayan ang puwede malagyan ng tattoo sa mukha o ang tinatawag na “batuk." “Sa face nila nakalagay yung mga tattoo, may mga meanings ‘yan sa kanila…militar ba siya o pulitiko. Kung siya ba ay magaling na mandirigma, maraming napatay," ayon sa historian. May paniniwala rin na sa pamamagitan ng tattoo ay mapipigilan ang paglabas ng enerhiya sa katawan ng isang tao na kung tawagin ay “dungan." “Kapag lumabas na ang ‘dungan,’ bakante na ang katawan mo at puwede kang magkasakit," paliwanag ni Dr Villain. Ang simbulo ng mga tattoo ay ilan lamang sa mga kaalaman na hatid ng epicseryeng Amaya, na pinangungunahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. – FRJimenez, GMA News