ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado trying to be strong for her Mommy Lydia


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi man daw nila napag-usapan ang biglang paglabas ng kanyang biological mother na si Jinkee Pineda, inihayag ni Jennylyn Mercado na batid niyang naapektuhan ang kanyang kinalakihang ina na si Mommy Lydia sa mga ipinahayag ng una. Sa panayam ni showbiz reporter na si Lhar Santiago, sinabi ni Jennylyn na pilit siyang nagpapakatatag sa naturang isyu para na rin sa kanyang mommy Lydia. Batid daw kasi ng Kapuso actress na sa kanya rin humuhugot ng lakas ang kinikilala niyang ina.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Gusto niya parati akong nakikita strong kasi ‘pag nakita niya ‘kong malungkot, nalulungkot din siya. Ako naman gusto ko parating pinakikitaan siya ng masaya para very positive yung environment," pahayag ni Jennylyn sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Kamakailan ay nagpaunlak ng panayam sa isang showbiz talk show si Jinkee kunsaan inihayag nito na hindi totoong biktima ng “child battery" si Jen. Nagbigay din ito ng pahayag tungkol sa pag-ampon ni Mommy Lydia sa aktres noong bata pa ito. Nagpapasalamat na lamang daw si Jennylyn dahil bumalik na ang sigla ng kanyang Mommy Lydia. Gayunman, hindi itinago ni Jen ang sama ng loob sa mga tao na nakikialam sa kanyang personal na buhay, at sa relasyon nila ng kanyang tunay na ina. “Sana ‘wag na nilang guluhin, ‘wag na rin kaming guluhan kasi ito na lang yung tanging natitira sa buhay ko (na) siyempre kahit papaano hindi na kailangan pag-usapan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang interviewhin. Para sa akin lang, sana tahimik na," pakiusap niya. Sa kabila ng mga kontrobersiya sa kanyang buhay, nanatiling positibo ang tingin sa buhay ni Jennylyn. Masasa ang aktres sa kanyang bagong proyekto sa GMA 7 na Foot Bulilit. Kasama nito rito sina Raymart Santiago at Daniel Matsunaga. Kasabay nito, nananatili umano ang kanyang desisyon na huwag munang pumasok sa bagong relasyon, Gayunman, aminado si Jennylyn na si Luis Manzano ang nagpapasaya sa kanya ngayon. -- FRJimenez, GMA News