advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maricel Soriano’s ex-maid: ‘Dinirty finger niya po kami’


Ikinuwento ng mga dating kasambahay ni Maricel Soriano ang ginawang pagmamalupit umano sa kanila ng batikang aktres. Kasabay nito, itinanggi naman ng kampo ng binansagang “Taray Queen" ng Philippine showbiz ang mga paratang. Sa panayam ni GMA News reporter Rawnna Crisostomo, sinabi ng dating kasambahay na si May Cachuela na Miyerkules ng gabi nang biglang nag-init ang ulo ni Maricel nang ipaayos sa kanya ang mga gamit na dadalhin nito sa isang studio recording. “Tinadyakan po niya ako e. Sa isang pagkakamali na hindi dapat na tatadyakan… tinadyakan niya ‘ko dito po," pahayag sa GMA news 24 Oras nitong Sabado ni Cachuela, sabay turo sa kanyang tagiliran. Matapos maawat ng anak, nagbanta raw ang aktres na kukuha ng baril kaya lalo umanong natakot ang kasambahay.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Makaraang ang ilang oras, ipinatawag umano ni Maricel si Cachuela kasama ang isa pang kasambahay na si Camille Acojedo, 18-anyos. Dalawang linggo pa lamang umanong naninilbihan ang mga kasambahay sa aktres. Pinagbantaan umano ni Maricel ang dalawang kasambahay na kukunin ang kanilang mga cellphone at ikukulong kaya nagdesisyon silang tumakas. Bagaman hindi nakaranas ng pisikal na pananakit sa aktres, sinabi ni Acojedo na nakatikim siya ng masasakit na salita sa kanyang dating amo. “Parang pinapakain niya sa’men yung mura niya. Tapos nung gabi nga po nang umalis kami, ang sinabi niya po sa’men, ‘ipokrita… ikaw alam ko ipokrita ka, intrimitida ka.’ Tapos dinidirty finger niya po kami," kuwento ni Acojedo. Nagawang makaalis umano ng condominium ni Maricel sa Makati City ang dalawa sa tulong umano ng programang Isumbong Mo Kay Tulfo. Kasunod nito ay naghain sila ng reklamo sa barangay hall ng Poblacion sa Makati. Iginiit ng dalawang kasambahay na hindi sila magpapaareglo at itutuloy ang demanda sa aktres. Umiiyak na sinabi ni May na pinapahanap umano sila para ibigay ang kanilang sahod. Nakatakdang dinggin sa Brgy Poblacion ang reklamo ng dalawang kasambahay sa July 5. Kapag hindi dumating ang aktres, iaakyat na umano sa pulisya ang reklamo. “Nagkalkal ng bag" Nauna nang sinabi ng business manager ni Maricel na si Ms Malou Ochoa-Fagar, na wala pang opisyal na pahayag ang aktres. Nakausap naman sa telepono ng GMA News ang “kanang kamay" ni Maricel na si Inday Castillo, at itinanggi nito na sinaktan ng aktres ang mga kasambahay. Inamin ni Castillo na nakipag-ugnayan siya sa dalawang kasambahay para ibigay ang kanilang sahod at idaan sa mabuting usapan ang problema. Nang tanungin kung ano ang eksaktong nangyari, sabi ni Castillo: “Di ko alam ‘yan eh. Basta ang alam ko, nahuli siya na nagkakalkal ng bag." - FRJimenez, GMA News
LOADING CONTENT