ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rufa Mae Quinto misses her Lola Lucy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayon pa lang ay nami-miss na raw ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto ang pumanaw niyang si Lola Lucy na nagpalaki sa aktres. Nitong Biyernes ay na-cremate na ang mga labi ni Lola Lucy o Luisa Vergara Peña, ayon kay showbiz reporter Aubrey Carampel. Pumanaw ang 86-anyos na si Lola Lucy noong Lunes dahil sa sakit na colon cancer. Sa huling gabi ng lamay, isinuot ng mga kamag-anak ni Rufa Mae ang kulay berde na damit na ipinagawa ng kanilang lola para sa nakaraang nilang family reunion.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Green daw ang paboritong kular ni Lola Lucy kaya maging ang ilang bisita ay ito ang kulay ng damit na kanilang suot. Kabilang sa mga nakiramay sa huling lamay ay sina Sen Bong Revilla Jr., Ara Mina, Favio Ide at mga kasamahan niya sa Bubble Gang na sina Aam Pinto at Boy 2 Quizon. “She’s na just my grandmother, she’s my mom, my best friend, my mentor, supporter, number one fan, so mami-miss ko talaga," pahayag ni Rufa Mae sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Hanggang sa huling sandali raw ay ipinahayag ni Lola Lucy ang sobrang encouragement sa aktres. Kaya kahit masakit, unti-unti raw niyang tinatanggap ang katotohanan na wala na kanyang mahal na lola. “I love you. Lagi kong sinasabi sa kanya and don’t worry lahat ng mga bilin mo sa akin at mga gusto mong maging ako, don’t worry pipilitin ko talaga na marating yun," aniya. - FRJimenez, GMA News