Child star Milkcah, sinabing mas cute sa kanya si ‘Iglot’
Masayang ikinuwento ng bagong Kapuso child star na si Milkcah Wynne Nacion na napapansin na siya ngayon ng mga tao dahil sa kinaaliwang fantaserye ng GMA 7 na Iglot. Sa panayam ni showbiz reporter Aubrey Carampel, sinabi ni Milkcah na âIglot" ang tawag sa kanya ng mga tao sa halip na âLuningning" na karakter niya sa fantaserye.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV ââIglot! kasi hindi nila narinig yung âLuningning.â Iglot lang 'pag pumupunta ako sa mall," kwento ni Milkcah sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Pero kahit âItlog" ang tawag sa kanya, okey lang daw ito kay Milkcah at tuloy ang pagkaway niya sa mga tao. Masaya raw si Milkcah dahil napisa na ang itlog at nakita na ang anyo ng kanyang kaibigang si Iglot. Dapat din daw abangan ang âIglot" dance na kanilang gagawin ng very cute at kinagigiliwang creature sa primetime TV. - FRJ, GMA News