Kris Bernal reacts to rumor that she’s pregnant
Nagsalita na si Kris Bernal tungkol sa intriga na siyaây buntis. May mensahe rin ang Kapuso young star sa mga naninira sa kanya. Sakabila ng paghataw sa dance floor sa pinagbibidahang danceserye na Time Of May Life, aminado si Kris na nadagdagan ang kanyang timbang. Hinihinala niya na may kinalaman dito ang kanyang hilig sa pagkain na matatamis gaya ng cake at ice cream. âSiguro mga nasa 8 pounds (ang nadagdag sa timbang). Mabilis akong pumayat, mabilis din akong bumilog," pahayag ni Kris sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV At nang kunan ng reaksiyon si Kris tungkol sa tsismis na buntis siya, tugon ng aktres: âHindi po, hindi ako buntis. Never akong nagsuka o whatever siguro nakikita nila 'ko minsan na nahihilo." âKasi nahihilo talaga ako dahil pagkatapos ng sayaw, pagod na pagod ako pupunta ako sa isang sulok. Hihingi ako ng tubig, hihingi ako ng pamunas kasi sa sobrang pagod," dagdag niya. Sa kanyang Twitter account, inihayag ni Kris ang kanyang pagkainis sa mga taong humihila umano sa kanya pababa at nagpapasama sa kanyang kalooban. â@nakakainis ung mga taong hinihila ka pababa, pnapasama loob mo dahil alam nilang masaya ka..at successful⦠at lumelevel up ka ⦠: )," ani Kris. Pero sa kabila ng mga pang-iintriga, nagpasalamat pa rin ang aktres sa kanyang mga kritiko dahil lalo daw siyang nagkakaroon ng motibasyon na pagbutihin ang kanyang trabaho. - FRJimenez, GMA News