ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Yasmien Kurdi returns to acting in GMA's, Amaya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos mawala ng ilang buwan sa showbiz dahil sa pag-aaral, balik sa pag-arte ang StarStruck alumni na si Yasmien Kurdi sa epicseryeng Amaya. Pero mariin niyang deklara, walang topless costume. Si Yasmien ang isa mga bagong karakter na mapapanood sa Amaya, ayon sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Isang istriktong babaylan umano ang role na gagampanan ng aktres na nagkaroon ng time na gumawa ng soap dahil sa sem-break sa kolehiyo. Pero pag-amin ni Yasmien, nagkaroon siya ng pag-aalala sa Amaya partikular sa kasuotan ng ilang karakter dito kung saan topless sila sa kanilang costume. Ilan nga sa karakter sa Amaya na tinatawag na mga alipin ay sadyang walang damit pang-itaas.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Ang first question ko doon, ‘I have short hair. Second question ko, em' I gonna do topless?’ Kasi ayoko talaga, ayokong mag-topless," pagdiin ng aktres. Aminado rin si Yasmien na nanibago siya sa pagbabalik sa taping at maging ang dialogue na ginagamit sa epicserye. “Iba siya (mga salita) sa pandinig, parang kakaiba yung mga salita. Tapos minsan nadadala mo na hanggang sa bahay," kwento niya. Pero hudyat na nga ba ito ng tuloy-tuloy niyang pagbabalik sa showbiz? “Nami-miss ko talaga minsan umarte, everything, pero I mean my priority right now is my study… pangarap kong maging doctor," paliwanag niya. -- FRJimenez, GMA News

Tags: yasmieskurdi