Working with Dingdong Dantes: Katrina Halili, wala raw kaba na maintriga
Excited na ang sexy Kapuso actress na si Katrina Halili sa kanyang pagbabalik sa telebisyon via primetime soap na Sundo, kung saan makakatambal niya si Dingdong Dantes. Sinabi ni Katrina sa Starbites ng GMA News TV Balitanghali nitong Martes, na matinding paghahanda ang kanyang ginagawa para sa Sundo. âActually nangapa rin kasi⦠lagi naman âpag bago mangangapa ka talaga. Lalo na four months din akong nabakante, hindi ako nagtetaping kailangan magpapayat nag-gain ako nung bakasyon," paliwanag niya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Makakasama ni Katrina sa Sundo sina Dingdong at Rhian Ramos. âAko yung parang manggugulo sa relasyon ni⦠lagi naman. Pero in love yung character ko kay Dingdong dito, tapos parang siya naman in love kay Rhian," kwento niya. Hindi naman daw nangangamba si Katrina na baka maintriga siya kay Dingdong tulad ng ibang naging leading lady ng Kapuso hunk. âWala naman akong ginagawa⦠so walang dapat katakutan okey na nagtatrabaho lang po," natatawang tugon ng aktres. - FRJimenez, GMA News