ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anak ni FPJ na si Poe-Llamanzares, dudang babalik sa Pinas ang mga Arroyo kapag nakaalis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil ilang ulit na raw nagsinungaling, hindi dapat pagkatiwalaan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na babalik pa sa bansa kapag pinayagan itong makaalis ng Pilipinas, ayon kay Grace Poe-Llamanzares, anak ng pumanaw na si Fernando Poe Jr. Ang pahayag ay ginawa ni Poe-Llamanzares nitong Huwebes nang makapanayam ng mga mamamahayag matapos dumalo sa pagdinig ng Senado sa budget ng Movie, Television Review and Classification Board (MTRCB), na pinamumunuan niya. “Siguro sa pagkakataong ito nararamdaman nila kung ano ang hirap at sakit ang ipinadanas nila noon sa mga lehitimong nakikipaglaban para sa katotohanan," ayon kay Poe-Llamanzares. Tinalo ni Arroyo sa kontrobersiyal na 2004 presidential elections si FPJ. Tungkol sa desisyon ng Korte Suprema na pumapabor sa mga Arroyo na makabiyahe sa ibang bansa, sinabi ng pinuno ng MTRCB na, “hindi lahat ng legal ay makatarungan." For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kasabay nito, idinepensa ni Poe-Llamanzares ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III at Justice Sec Leila De Lima na huwag payagang makaalis ng bansa ang mag-asawang Arroyo. “Buti nga nagkakalakas loob ang ilang branches ng administration na kung yun ang paniniwala nilang tama ay pinaglalaban nila. Hindi lahat ng legal ay makatarungan pero siguro dapat din isipin din natin kung paanong mapapahalagahan ang katotohanan," aniya. “Nagpapasalamat ako sa pangulo natin dahil sa kanyang ehemplo nagkakaroon ng pagkakataon na mailahad kung ano yung totoong nangyari noong 2004," patuloy ni Poe-Llamanzares. Bilang karaniwang tao, sinabi ni Poe-Llamanzares na dapat isalang sa hustisya ang mga inaakusahan at mapapanagot ang mga nagkasala sa batas. Sinabi naman ni House Minority Floor leader Rep Edcel Lagman na higit sa pagdududa kung babalik sa bansa ang mga Arroyo, ang dapat punahin ngayon ay ang pagsuway umano ng DOJ sa desisyon ng SC na nagpataw ng temporary restraining order (TRO) sa watch list order (WLO) ng DOJ. -- FRJ, GMA News