Filtered By: Showbiz
Showbiz

LJ Reyes, Kapuso pa rin; Max Collins, bagong Kapuso


Nanatiling Kapuso ang Starstruck alumni na si LJ Reyes makaraang pumirma ng exclusive contract, kasama ang latest addition sa roster of talents ng GMA 7 na si Max Collins. Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel, sinabing present sa contract signing sina GMA Chairman and CEO Atty Felipe Gozon; GMA Films President Annette Gozon-Abrogar; Vice President for Talent Development and Management and GMA Artist Center (GMAAC) Head Ida Henares; at si Perry Lansigan, manager nina LJ at Max. “I’m still home with GMA, and more years to come nang pagtatrabaho with them," pahayag ni LJ sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Nakakatuwa na sigurado kang makakasama mo yung mga… kung saan ka nagsimula tsaka yung mga dati mong katrabaho," dagdag niya. Sinabi naman ni Max –unang nakilala sa screen name na Isabelle Abiera – na drama ang nais niyang maging proyekto. “Drama talaga ang love ko, sana teleserye ‘yon yung pinangarap ko. So sana soon makakapag-umpisa na ‘ko," pahayag ng bagong Kapuso talent. Ikinatuwa naman ni Ms Annette na nanatiling Kapuso si LJ at excited na rin daw ang network para sa bagong Kapuso na si Max. -- FRJ, GMA News