ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Panday 2, tiyak na magugustuhan ng mga manonood -- Sen Bong Revilla


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sakabila ng trahedyang nangyari sa kanilang pamilya, tuloy ang buhay para kay Sen Bong Revilla. Abala ngayon ang actor-politician sa pagpromote ng kanyang film fest movie na Panday 2.   Kasama ang kanyang leading lady na si Marian Rivera, humarap sa showbiz press si Sen Bong upang i-promote ang bagong Panday na unang pinagbidahan noon ng action king na si Fernando Poe Jr.   Ngunit hindi rin naiwasan na matanong ang senador tungkol sa kaso ng pagkamatay ng kanyang kapatid sa ama na si Ramgen Revilla, at pagkakadawit ng iba pa niyang kapatid sa krimen.   Ayon kay entertainment reporter Nelson Canlas, matipid ang tugon ni Sen Bong tungkol sa naganap na trahedya sa kanilang pamilya.   “Maraming dumadaan na pagsubok sa buhay natin pero yung strength dun ko na lang kinukuha sa taas. Siya na bahala sa’ken kung saan ako dadalhin,” pahayag ni Sen Bong sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.   Ang kanya namang mga kaibigan, todo suporta sa kanya.   “Sabi ko naman kakayanin niya ‘yon at tawagan lang niya ko kung saka-sakaling gusto niyang magkaroon ng kausap,” ayon kay Sen Jinggoy Estrada.   Tiniyak nina Sen Bong at Marian na masisiyahan ang mga manonood sa Panday 2 na entry sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre. Ginastusan raw ng husto at pinaganda ang mga special effects at sound nito.   At sa araw ng MMFF parade, sinabi ni Sen Bong na mayroon siyang surpresa sa mga tao.   Ayon naman kay Marian, excited na siyang makita ang resulta ng kanilang pinaghirapan.   “Maraming pressure pero ang importante nagawa namin itong movie na sobrang enjoy lang kami at ang saya,” anang Kapuso primetime queen. -- FRJimenez, GMA News