ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pinay, wagi sa K-Pop World Festival sa South Korea


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling pinatunayan ng isang 19-anyos na Pinay na hindi pahuhuli ang mga Pilipino sa husay sa pagkanta matapos siyang tanghaling kampeon sa katatapos na K Pop World Festival 2011 na ginanap sa South Korea. Sa ulat ni showbiz reporter Nelson Canlas, sinabing 19 na foreign contestants ang naungusan ng pambato ng Pilipinas na si Karla Mae Carreon para iuwi niya ang premyo na umaabot sa P200,000. Pero bukod sa pag-awit, sinabi ni Karla na nais din niyang makatapos ng pag-aaral at maabot din ang isa pa niyang pangarap – ang maging mamamahayag. Inamin ng K-Pop festival champ na huminto siya sa pag-aaral at plano niyang bumalik sa kolehiyo sa susunod na taon. “Naka-allot na nga po yung kalahati dun… balak ko pong itabi para sa June sa pasukan," pahayag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Nais daw niyang maabot ang kanyang pangarap bilang successful singing-journalist. “Gusto ko pong maging journalist katulad niyo…. mahilig din po akong magsulat. Pangarap ko pong makagawa ng libro saka ang pagkanta ko po, gusto ko rin maging successful singer," patuloy ng dalaga. - FRJ, GMA News

Tags: kpop, k-pop