ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alok na ‘security’ ni PNoy, tinanggihan daw ni Grace Lee


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa malaking atensyon na nakukuha niya ngayon bunga ng pagkakaugnay kay Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, inalok daw ng binatang pangulo ng seguridad si Grace Lee na magalang daw na tinanggihan ng Kapuso host. Sinabi ni showbiz reporter Nelson Canlas sa kanyang ulat sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Lunes, na mag-alok daw ng “security detail" si PNoy kung kakailangan ito ni Grace. Ang alok ay bunga ng matinding atensyon na nakukuha ngayon ni Grace. Mula nang aminin nila ni PNoy na nagde-date sila, sinusubaybayan na ng local at international press ang magiging ending ng namumuno nilang relasyon. Pero magalang daw na tinanggihan ni Grace ang alok ng pangulo dahil sa tingin niya ay kaya naman niyang alagaan ang sarili. Ang katrabaho naman ni Grace sa radio station na si Mojo Jojo, nagbigay ng paalala sa Kapuso host dahil baka siya makaladkad sa mga isyu tungkol sa gobyerno. “I’m telling Grace be careful kasi yung next typhoon, yung next earthquake, yung next problema, you might be blame because they’ll gonna say, ‘oh instead PNoy doing his work he’s having drinks with Grace Lee or ganyan," payo ni Mojo. Nagpahayag naman ng suporta kay Grace si Andrew Santiago, radio station manager. “If Grace is happy, then I’m happy for her." Samantala, hindi naman nagbigay ng detalye si Pangulong Aquino tungkol sa kung ano ang plano niya sa kanyang nalalapit na kaarawan sa Pebrero 8, at kung ano ang plano nila ni Grace sa Valentines Day. - FRJ, GMA News

Tags: gracelee