ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Manager ng 'Sexbomb' dancers, itinangging nag-issue ng talbog na tseke kay Iza Calzado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Itinanggi ng choreographer at manger ng "Sexbomb" dancer group na si Joy Cancio, ang lumabas na ulat sa isang pahayagan na nag-issue siya ng talbog na tseke kay Iza Calzado. Sa Showbiz Exclusive ng GMA News TV nitong Biyernes, sinabing nakasaad sa ulat na lumabas sa tabloid ang hinala na naghihirap na si Joy. Isang indikasyon daw nito ay ang pagtalbog ng tseke na ibinigay kina Iza at Mr Fu para sa hosting job ng dalawa. Sa panayam ng GMA News kay Joy, sinabi nito na nalaman niya ang naturang isyu sa pamamagitan ng pag-text ng isa ring taga-media para humingi ng paglilinaw. Iginiit ng sikat na choreographer na hindi totoo ang naturang balita dahil hindi niya kinukuha ang serbisyo nina Iza at Fu. Katunayan, hindi nga raw siya “makaraket" dahil nakatutok siya sa isang show. “Siyempre nagre-release din ako ng tseke pero walang ganung nangyari na kinuha ko si Ms Iza (at) si Mr Fu, tapos natalbugan ako ng tseke. Hindi po akong Joy ‘yon. Marami pong Joy sa mundo lalo na sa showbiz," nakangiting paliwanag niya. Kinumpirma naman ng tabloid reporter na sumulat ng artikulo na nagkaroon ng “mistaken" identity tungkol sa “Joy" na nag-issue ng talbog na tseke. Kasabay ng kanyang paglilinaw na hindi nga si Joy Cancio ang sangkot sa tumalbog na tseke, agad na humingi ng paumanhin ang manunulat sa choreographer at talent manager. -- FRJImenez, GMA News