ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Balikan ang panayam ni Grace Lee kay PNoy na sinasabing nagpalapit sa dalawa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“He’s brilliant, if not, the most intelligent man I’ve met in my life." Ito ang sinabi ng Kapuso host na si Grace Lee, patungkol sa lalaking romantikong nauugnay sa kanya ngayon -- si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III. Balikan natin ang ilang bahagi ng one-on-one interview ni Grace kay PNoy noong Pasko na sinasabing naging daan para magkalapit ang dalawa. Unang nagkakilala sina PNoy at Grace sa inagurasyon ng Korean Electric Power Corporation power plant sa Cebu noong June 2011. Sa pagtitipon na iyon ay pinuri ng Pangulo ang kagandaan ni Grace na host sa naturang event, at tinawag pa siyang "guapa." Ngunit hindi raw sa Cebu nagsimula ang pagiging malapit sa isa’t isa nina PNoy at Grace, na nauwi sa “dating" at “getting to know" stage ngayon. Sinabing nagkapalagayan ng loob ang dalawa nang makapanayam ni Grace ang Pangulo sa Malacañang noong Disyembre 23, 2011. Ang interview ay ginawa para sa year-end report/special ng radio station Magic 89.9, kung saan radio disc jockey din ang Kapuso host na si Grace. Sa panayam, inalam ni Grace ang mga programa at saloobin ng Pangulo sa iba’t ibang usapin at mga problema ng bansa na nais niyang solusyunan. Pinangalanan din ni PNoy ang dalawang dating pangulo mula sa ibang bansa na kanyang hinahangaan. At kung ano ang nais niyang sabihin sakaling nabubuhay ngayon ang kanyang mga magulang na sina dating Senador Noynoy Aquino Jr at dating pangulong Cory Aquino. ‘Na-victimize din ako’; ‘No Intention’ Seryoso ang pag-uusap ng dalawa sa mga programa ni PNoy at mga layunin niya para mapaangat ang kabuhayan ng bansa. Pero naging magaang ang kanilang talakayan nang mapag-usapan na nila ang tungkol sa “privacy" kung saan naungkat ang kanilang “Cebu encounter." “As President, your privacy is being compromised… how do you feel about people having so much to say about the minute details of your private life which really do not say anything about your performance as President?," tanong ni Grace sa pangulo. "Well, I don't have a choice. I just come to terms with it..." sagot naman ni PNoy. Flashbacks: Cebu and China “Pero ‘di ba na victimize din po ako doon," natatawa namang dugtong ni Grace patungkol sa lumabas na isyu sa kanila nang magkakilala sa Cebu. “We were on (the) front (pages) of the tabloids for three days and I was thinking kawawa naman si Presidente, nag-comment lang ng gano'n tapos biglang out of proportion," patuloy ng Kapuso host. Dito ay ikinuwento naman ni Aquino ang isang pagbisita niya sa China kung saan may nakausap siyang prominenteng tao sa naturang bansa at nabanggit niya ang tila mataas na interes ng publiko sa love life. “When I went to China there was this host, very prominent in China, and she said Mr. President 'You know, I have to compete for all the inches in the newspaper, but if it is about my love life it's on the front page. A lot times it's on the top of the fold," kwento ng Pangulo. Bagaman bahagi na ngayon ng buhay niya ang pagkawala ng privacy, umaasa pa rin naman si PNoy na mabibigyan ng publiko ng importansiya ang mahahalagang bagay na kanyang ginagawa para sa bayan. Pahabol ng Pangulo sa usapin ng privacy, hindi niya intensyon na madamay si Grace sa unang pagkakataon na naugnay ito sa kanya matapos ang pagpuri niya sa Kapuso host sa Cebu. “I think it's part and parcel of it. But that's something that I have to look forward to is to get some privacy... And there was no intention nga pala when we got into all of this mess also," pahayag ni PNoy. Sagot naman ni Grace: “No, it's okay Mr. President I felt for you also. You know there was a lot of people who called me on the radio making such a big deal. You know nasa newspaper naman, mababasa ninyo 'yung speech ni Presidente when you read it you can pretty much assess that it really doesn't go beyond that." JFK at Nelson Mandela Sa dami ng pagsubok na kinakaharap sa mga problema ng bansa, inalam ni Grace kay PNoy kung ano ang sasabihin niya sa kanyang mga magulang na si Ninoy at Cory kung nabubuhay pa sila ngayon. Ayon kay PNoy: “I think my parents are my severest critics as well as my best mentors. For me I would ask, may kulang pa ba? O kaya mayroon pa ba kayong puwedeng gawin na hindi ko nakikita? There are times if you really look at something with total concentration there is the danger of looking at a tree instead of the forest. You wanna make sure while looking at the tree you also see the whole forest." Sa tanong ni Grace kung sino ang mga dating pangulo mula sa ibang bansa ang hinahangaan niya, dalawang pangalan ang binanggit ni PNoy – sina John F. Kennedy at Nelson Mandela. At ano naman kaya ang ipinagdarasal ni PNoy bago matulog? Sabi ng Pangulo kay Grace: "Three things, I ask God to make sense of His will, second is make His kingdom apparent in this world, and the third is shield me from my enemies." Pakinggan sa blog ni Doña Victorina ang buong panayam ni Grace Lee kay PNoy na unang ipinarinig sa Magic 89.9. – with Kenneth Cortez/ELR/FRJimenez/HS, GMA News