ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jeremy Renner at assistant, ilang minutong pinigil sa airport dahil sa posporo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tulad ng kanyang maaksiyong Hollywood movie na The Bourne Legacy, tila naging makapigil-hininga rin ang pag-alis sa bansa ni Jeremy Renner matapos maantala ng ilang minuto ang pagsakay nila sa eroplano sa airport. Sa ulat ng SONA ng GMA News TV nitong Martes, sinabing nakaalis ng bansa si Renner kasama ang kanyang assistant na si David Cox nitong tanghali patungong New York, USA. Ngunit bago makasakay ng eroplano, dumaan muna sa mahigpit na security check ang mga bitbit na bagahe ng dalawa. Nang isalang sa x-ray machine ang kanilang mga gamit, may nakitang posporo sa bag ng assistant ni Renner. Dahil sa nakitang kahon ng posporo, kinailangan suriing mabuti ang kanilang mga dalang bagahe. Makalipas ang 15-minutong pagbusisi, pinayagan na rin ang dalawa makasakay ng eroplano at tuluyang makaalis ng bansa. Mahigit isang buwan namalagi sa Pilipinas si Renner para sa shooting dito ng The Bourne Legacy. Bukod kay Renner, dumating din sa bansa para mag-shooting sina Rachel Weisz at Edward Norton na kasama sa pelikula. Noong nakaraang linggo ay nag-iwan ng marka sa Malacanang si Jeremy nang makipagharap ito kay Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, na nakasuot ng barong-Tagalog na tinernohan niya ng cargo pants. -- FRJ, GMA News