ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LJ Reyes, muling nagpa-sexy sa men's magazine; idinepensa si Bela Padilla sa 'racist' cover issue


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod kay Bela Padilla, isa pang Kapuso star – si LJ Reyes – ang sumabak sa sexy pictorial para sa cover photo ng isang men’s magazine. Hot mama umano ang dating ni LJ sa kanyang mga sexy photo sa Playboy Philippines magazine para sa kanilang March issue, ayon kay showbiz reporter Lhar Santiago sa Chika Minute nitong Huwebes. Kasabay na lumabas ng sexy cover ni LJ ang sexy cover photo naman ni Bela para sa FHM Philippines. Kinailangan ng FHM na palitan ang unang cover photo ni Bela dahil sa nilikhang ingay ng unang pabalat ng babasahin na paningin ng iba na may pagka-racist. Ang naturang usapin ay hindi lang sa Pilipinas pinag-usapan kundi maging sa ibang bansa matapos na lumabas ang balita maging sa mga international news agency. Para kay LJ, hindi naman dapat sisihin si Bela sa nangyaring kontrobersiya. “No one naman siguro really wanted na may masaktan. Hindi naman nila gustong may ma-offend. I’m sure they did it in good faith," pahayag ni LJ. Sa kanyang ikalawang pictorial para sa men’s magazine, mas sexy na LJ raw ang makikita dahil mas confident at kampante na siya ngayon na naging mommy na siya. Ayon kay LJ,  naging kabado siya sa kanyang unang sexy pictorial noong dalaga pa siya dahil hindi pa niya alam ang mga gagawin. Mapapanood din si LJ bilang kontrabida sa afternoon soap ng GMA 7 na The Good Daughter. -- FRJ, GMA News