ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Makabuluhang paggunita sa pagpanaw ni Francis Magalona
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ginugunita ngayong Marso ang ika-tatlong taon nang pagpanaw ng itinuturing Master Rapper ng Pilipinas na si Francis Magalona dahil sa sakit. Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing naghahanda ang pamilya Magalona ng mini-concert sa paggunita ng pagpanaw ni Francis noong 2009. Bukod sa mini concert na gagawin sa March 17, maglalabas din ng commemorative t-shirt ang pamilya Magalona. Ang mga kikitain sa dalawang proyekto ay ilalaan naman sa foundation ni Francis para sa scholarship ng mga kabataan. -- FRJ, GMA News
Tags: francismagalona
More Videos
Most Popular