ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mel Tiangco, Kapuso pa rin!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling pumirma ng kontrata sa GMA Network ang 24 Oras news anchor na si Mel Tiangco. Present sa ginanap na contract signing sina GMA Chairman and CEO Atty Felipe L Gozon; President and COO Gilberto R Duavit Jr.; at Executive Vice President Felipe S. Yalong Bukod sa pagiging anchor ng 24 Oras, host din si Tita Mel ng lifestyle program sa GMA News TV na Powerhouse. Siya din ang ang executive vice president at COO ng GMA Kapuso Foundation. “I cannot think of Channel 7, lalo na sa primetime news natin without Tita Mel," ayon kay Mr Gozon. “Bukod sa marami niyang kontribusyon sa ating mga programa, nandun din siyempre ang kanyang pagiging mukha at puso ng ating foundation," pahayag naman ni Mr Duavit. Para naman kay Tita Mel, wala na raw siyang mahihiling pa sa pagiging Kapuso dahil sa sobrang tiwala na ibinigay sa kanya ng mga pamunuan ng network. Samantala, kabilang din si Tita Mel sa mga binigyan ng pagkilala sa website na Female.com bilang isa sa mga tinaguriang Amazing Filipinas ngayong International Women’s Month dahil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan. -- FRJ, GMA News