ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kasong isinampa ng misis, hinarap na ni Jose Manalo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagtungo sa San Juan Prosecutor’s Office nitong Martes ang Eat Bulaga host na si Jose Manalo para harapin ang kasong Anti-Violence Against Women and Their Children Act, na isinampa sa kanya ng misis na si Analyn Manalo. Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan sa Starbites ng Balitanghali, sinabinghindi nakaharap ni Jose sa naturang pulong ang kanyang misis, at sa halip ay mga abogado lang ng nagrereklamo ang nakipag-usap sa kanila. Sa isinagawang close-door meeting, iminungkahi umano ng piskal na mag-usap at subukan ng magkabilang panig na resolbahin ang kanilang problema bago magsumite ng counter affidavit si Jose. Napag-alaman na dalawang buwan nang hindi nagkakausap ang mag-asawa dahil na rin sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng korte na nagbabawal kay Analyn na lumapit kay Jose. Paliwanag ng kampo ni Jose, ang naturang kautusan ay hiningi sa korte ng Taped Inc., ang producer ni Jose sa Eat Bulaga. Hiningi raw ang TRO dahil hina-harass umano ni Analyn ang mister. Inihayag ng magkabilang kampo na bukas sila na magkaroon ng amicable settlement. Nakatakdang magkaharap ang mag-asawa sa ikalawang linggo ng Abril. Samantala, matipid naman ang pahayag ni Jose tungkol sa kaso at ang iniisip daw niya ay ang kapakanan ng mga anak. -- FRJimenez, GMA News