ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Solenn Heussaff, proud sa kanyang hi-tech, sexy cover ng isang magazine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Very proud ang Kapuso star na si Solenn Heussaff sa kakaiba at sexy niyang cover sa isang magazine kung saan makikitang gumagalaw ang naturang cover "photo" na ginamitan ng interactive technology. Kwento ni Solenn sa showbiz reporter na si Nelson Canlas, anim na oras tumagal ang shooting nila para sa naturang high-tech cover ng Rogue magazine para sa buwan ng Abril. Gagalaw ang sexy cover ni Solenn kapag iniscan ito gamit ang isang uri ng image detection sa cellfone o mga tablet, ayon sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras. Ang naturang isyu ng Rogue ang sinasabing kauna-unahang publication sa bansa na gumamit ng interactive technology ng application na Zappar sa pakikipagtulungan ng Unitel Productions. Dagdag pa ng Legacy star, espesyal na tela rin ang ginamit na takip sa kanyang katawan para magmukha itong chocolate sa larawan at video. - FRJimenez, GMA News