Marian Rivera, nagpa-sexy sa summer issue ng isang magazine
Nagpakita ng magandang hubog ng katawan at flawless skin ang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera sa cover photo nito para sa summer issue ng isang magazine. Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel, sinabi ni Marian na aprubado naman daw ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes ang kanyang pagpapa-sexy sa April issue ng Cosmopolitan magazine. Sa naturang isyu ng babasahin, makikita sa cover ang larawan ni Marian na nakasuot ng puting one piece swimsuit. âBasta as long as kaya kong dalhin at kaya ko siya, na hindi ako maiilang gagawin ko. Ibinigay naman nila saâken yung mga damit na hindi ako maiilang, kaya nagawa ko siya," kuwento ng aktres sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Bukod kay Marian, dalawa pang Kapuso stars ang napiling cover photo ng dalawa pang magazine. Topless sa FHM magazine ang ex-Survivor Philippines castaway na si Michelle Madrigal. Habang high-tech naman ang sexy cover ni Solenn Heussaff sa Rogue magazine. Samantala, sasabak muli sa comedy sitcom si Marian para sa Tweets For My Sweet, kung saan makakasama niya ang kanyang mga idolo na sina Nova Villa at Roderick Paulate. - FRJimenez, GMA News